Wednesday, May 23, 2007

Wed May 23, 2007 @915pm EDSA from Guadalupe thru MegaMall to Santolan

TRAFFIC 9:15pm Wed night. Kaka tapos lang ng truck ban kaya may build up sa EDSA at bigla nalang may nag wangwang sa likod ng kotse. Eh dala ko camera ko. (Galing kami sa isang photo shoot ng Rock Ed artists sa Saguijo) Eto na......Dahan dahan, sumisingit sa kaliwa namin itong :%5E#@&^$ Suburban. (Sabi ko sa yo naka-Suburban tong mga @*&$*%ng 'to eh...)

Steady, focus, on the license plate. click click click (background noise wangwangwangwang waaaaaaaaaang. complete with blink* blink* ng ilaw para tumabi kami) eh ang traffic nga noh.
Focus, on the license plate..... teka nga lilipat ako sa likod para mas malapit ang kuha...buksan ang bintana...click click click....

Syempre 8 ang license plate ..... aba pu....


tapos zzzzzzzzzom, may mga back up car pa. (bagong-bago, mind you. may conduction sticker pa) Toyota na parang SUV or baka mini-van. Ewan ko basta mukhang mamahalin....Hmmmm.


ABA! hindi isa, kundi dalawa ang back-up cars na mini van. If you notice, the tails lights are always on in the photos even while they are whizzing.... kasi naka hazard sila at naka wangwang at nagki-criss cross sa EDSA during traffic....pansinin nyo...left side of our car and right side of our car ang photos kasi hindi kami gumagalaw sa lane namin, kaya tinahi nila kami left and right.

Ayun, iniwanan na kami...



Bye bye Congressman. Nanalo kaya siya? O natalo... hmmm. Pero may mga bagong kotse...so baka natalo at nag panic-buy ng mini-van.
Walaaang hiyeh.


Soooooooooooo...akala nyo yun na yun ah...meron pa! (inabangan ko sila kanina sa ibabaw ng Shaw...kasi alam kong matatraffic sila sa baba. Habang red light, bumaba ako at pinkchuran sila from top view...take a look at dis pare....

ayun...derecho ang takbo ng unang kotse..pero yung style nila ganito....

mag-iingay muna, magpapa-pansin...

tapos ang unang back up car, sasalungat sa linya para mabuksan ang option na sumingit...(eh kita mo na ang ayos ayos at ang sikip na rin ng daan noh, ano ba)

singit singit, komplit wid malakas na busina and siren...and hazard lights blink blink plus that white light in front of the grille...na kaliwa't kanan ang litaw....

eto ang top view ng Suburban...

Ito ang unang back up car....

ngrrrr...

at heto! huli ka huli ka huli kaaaaaaaaaaaaaaaaaa (ng camera ko, pero hindi ng pulis. bikos maybe you are da pulis?)

ayun o, kaasar....kita nang lahat naka linya eh.....


license plates of back up cars: paki zoom na lang. Hehehehe.

5 comments:

Anonymous said...

naku talaga, tama kayo sumosobra yang mga wangwang na yan.

Anonymous said...

grabe naman yan... ano yan politiko? baka wangwang ng wangwang yan kasi na-cCR na sha, di kaya oras na para sa Pinoy Big Brother nung panahong yan...

kidding aside, mga abusado talaga mga yan. hayz.

Anonymous said...

Hay nako, pa-ulit-ulit lang silang mga kongreso. Gusto ko nga pa lang pasalamatan kayong mga nagtayo ng Blog na ito dahil matagal na akong naghahanap ng website kung saan pwede akong magsumbong. Gusto ko talaga ma-karma silang lahat. Na-aalala ko nung palabas ako ng UP Diliman sa Ylanan, yung isang kotse papasok naman nag-tapang na mag-wangwang! Pag-daan niya binaba ko bintana ko at at sa mataas na boses para marining ng lahat ng malapit, "YABANG!" kasama ang license plate niya.

inggit ba kayo?! said...

kanya-kanya yan... baket naiinget b kayo......bile nlng din kayo ng wang wang... mura lng sa banawe yan.... 3k lng,,,,,,,astig na dn kyo ka2lad nmin may mga wangwang,,,,, im sure you guys are just insecure,,,, because u dont have powers,,hahha,,, nd maybe..you dnt have enough money to buy "wang wang" hahhaa... kwak,,kwok,,kwak,,kwak,,

GeorgeBodegonMD said...

WANG WANG is multipurpose:
1. Pagsundo kay Junior sa Brent.
2. Paghatid kay misis sa Rockwell.
3. Pagpunta sa Punta fuego for the weekend.
(Repeat as desired)

Lahat na, maliban sa senate of the Philippines and the House of Representatives.

Nakakaantok kasi magstay dun.